CHINESE GARTER- ang paboritong laro ng mga batang babae. pataasan at pagalingan tumalon at hindi sumabit ang paa sa garter. kung mahaba ang school uniform mo, talo ka.
TEKS- ang koleksyon ng mga batang lalaki. paramihan at pakapalan. may pamato pa- yung teks na hindi natatalo. ito ang sugal ng mga musmos na lalaki. pag talo ka, mapupunta sa kalaban ang isang dangkal na inipon mong teks for 1 month.
LAGIT-LAGITAN- ang primary cause ng mga sugat at peklat sa tuhod ng mga bata. malas mo na lang kung mabagal ka tumakbo at madaya ang taya. kung sa magspang na kalsada kayo naglalaro, ingatan mo tuhod mo dahil peklat ang abot nyan pag nataya ka.
TAGU-TAGUAN- kailangan magaling kang humanap ng ultimate spot na pagtataguan mo. pero wag ka dapatmasyado lumayo dahil pag hindi ka nakita ng lahat ng kasama mo, patay ka, di ka na hahanapin ng mga yun. marerealize mo na lang ayawan na pala at meron ng ibang laro. ano pa gagawin mo? edi iiyak ka na lang.
PATINTERO- ang laro ng mga batang kalsada. mas masaya kung konti ang sasakyan na dadaan. dire-direso ang laro. dapat mahaba ang mga kamay mo kung taya ka. kung ikaw ang papasok, dapat magaling ka dumiskarte dahil uso talaga ang dayaan.
hay... ang sarap maging bata. wala lang, naalala ko lang kasi yung buhay grade school dahil napagkuwentuhan namin ng mga kabarkada ko. noon, walang pansinan kung magaslaw kang kumilos, kung may naghalo ng alikabok at sipon sa mukha mo, kung amoy pawis ka na. ang talo lang non ay yung mga iyakin at asar- talo. iba na ngayon... pag magaslaw kumilos ang isang babae, turn-off para sa mga boys. pag madumi na ang mukha mo, ano ka taong grasa? pag amoy pawis ka na, ang jahe naman pag sumakay ka sa jeep o sa LRT o kaya makita mo yung ultimate crush mo. pero ang good part dyan, pag umiyak ka ngayon, maraming reresbak sa mga nagpaiyak sayo. dati kasi pagtutulungan ka pa lalo.
sobrang iba na talaga ngayon. hindi na kasi uso yung solid na laro ng mga bata. dati kahit meron kayong sanga ng puno, ayos na at buo na yung laro-tayo session. creative ang mga bata noon. (ehem) ngayon, pag may stick ang isang bata- ano gagawin ko dyan? dati, hindi uso ang mga game consoles dahil ang mahal nga naman ng mga ganun, mas solb pa sa labas ng bahay. ngayon? kulang na lang magsuntukan ang mga bata dahil hindi malaman kung sino ang mauuna sa playstation. noon at ngayon- classic!
kung may tatlo akong wish, siguro magwiwish ako na maging bata ulit... syempre hindi lang ako, lahat ng mga kalaro at kaklase at kapatid ko.
sige, tatapusin ko pa yung crash bandicoot eh.
7.1.09
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
nakakamiss nga. minsan, i play chinese garter with my sister. bata pa kasi. and i just can't imagine a grown up playing chinese garter. haha!!
sosyal na ngaun, game consoles na. at ang madalas nga tlga pag`awayan ay ang kung sino ang mauuna. tama ka tlga. and yea, i love crash bandicoot. it's fun!
Post a Comment