'mag-ingat ka sa pagluwas!', 'magminandal ka muna.', 'ano ang balita?'... ito ang karaniwan mong maririnig mula sa labi ng aking lolo. hindi ko na maririnig pang muli ang mga salitang iyon. lagi siya doon sa may kusina, nakasilip sa bintana, nag-iisip, pinapanood ang bawat sasakyang dumadaan sa kanilang bahay. hindi ko na muli pa siya makikita sa kanyang upuan. hindi ko na muli pa siya masasabayan sa pagkain ng instant noodles. hindi ko na siya maipagluluto pa muli ng kanyang paboritong spaghetti. hindi ko na siya maririnig mangulit na kunin ang kanyang blood pressure. hindi ko na muli pa siya makikita... ang aking lolo, siya ay nasa langit na.
napakasakit. hindi ako makapaniwala. habang nagwawala ako sa taxi nang matanggap ko ang tawag ng aking pinsan, hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko matanggap na wala na ang pinakamamahal kong lolo. napakasakit isipin na may oras akong alagaan ang mga pasyente ko sa ospital tuwing nagduduty ako, pero hindi ko man lang naalagaan ang aking lolo sa kanyang huling mga sandali. hindi ko man lang siya nakapiling.
siguro nga, lahat tayo ay dumadating sa ganong pagkakataon. kaya ngayon, kahit napakasakit para sa aming lahat, iniisip na lang namin na mapayapa na ang aming tatay sa piling ng Diyos. hinihingi ko po ang inyong mga panalangin para sa aming tatay. maraming salamat po.
Tatay, mamimiss po namin kayo. Gusto ko po na malaman n'yo na mahal na mahal na mahal na mahal po namin kayo at kayo po ay manantili sa aming mga puso.